-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pananambang-patay sa isang 55-anyos na lalaki sa Barangay Road, Sitio Rancho Wadya, Banisilan Cotabato, pasado alas-5 ng hapon, Sabado, Agosto 3, 2024.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Banisilan PNP, kinilala ang biktima na si Jose Rex Buado, 59 anyos, na residente ng Brgy. Wadya, Banisilan, Cotabato.

Habang ang dalawang itinuturong suspek ay kinlalang sina alyas Salva at alyas Choco.

Lumabas sa imbestigasyon na sakay ang biktimang si Jose ng kanyang motorsiklo mula sa kanyang sakahan sa Sitio Rancho patungo sa direksiyon ng Barangay Wadya, Banisilan, Cotabato nang dumating sa lugar ng insidente ay hinarang at pinagbabaril ng mga suspek.

Isa umanong cal.45 pistol uri ng baril ang ginamit ng suspek sa pagpaslang sa biktima kung saan agad na tumakas patungo sa direksyon ng Sitio Rancho, Barangay Wadya, Banisilan, Cotabato matapos gawin ang krimen.

Sa ngayon, inaalam pa ang motibo ng mga suspek sa pagpaslang sa biktima.