-- ADVERTISEMENT --

Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki matapos magsagawa ng drug buy bust operation sa Purok Gumamela, Brgy. Purikay, Lebak, Sultan Kudarat, kaninang madaling araw ng Setyembre 1, 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel William L Facsoy Jr., hepe ng Lebak Municipal Police Station ang nahuling suspek na si alyas “Rus”, 27-anyos, walang asawa at residente ng Purok Mahogany, Brgy. Aurelio Frieres, Lebak, Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ni PLtCol. Facsoy Jr., nadakip ng mga otoridad ang suspek matapos makabili ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na poseur buyer kapalit ng buy-bust money na nagkakahalaga ng Php3,000.00.

Maliban dito, nakuha rin mula sa mga suspek ang tatlo pang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at iba pang non-drug items. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa seksyon 5 at 11, Art. II ng R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.