-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang makababalik na sa bansa ang 24 na Pilipinong nakulong sa Russia matapos ang naging diplomatic efforts ng pamahalaan kasunod ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Russia.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, darating ang mga repatriated Filipinos sa Ninoy Aquino International Airport sa madaling araw ng Linggo sa dalawang magkahiwalay na batch.

Anim sa mga ito ang inaasahang unang darating sakay ng flight mula Bangkok, habang ang natitirang 18 ay susunod ilang oras matapos ang unang grupo. Parehong manggagaling sa Bangkok ang kanilang mga biyahe.

Naging posible ang kanilang pag-uwi matapos ang pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kay Vladimir Putin sa kanyang dalawang araw na pagbisita sa Russia.

Samantala, tiniyak ng Philippine Embassy in Bangkok ang pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga umuuwing Pilipino, habang personal na sasalubong sa unang batch si Ma. Theresa Lazaro.