-- ADVERTISEMENT --

Naka-standby nang 24 oras ang mga tracker team at warrant server ng Philippine National Police (PNP) para ipatupad ang warrant of arrest laban sa mga akusado sa kasong plunder, ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Sinabi ni Nartatez na agad nilang ipapakalat ang impormasyon tungkol sa warrant sa kanilang mga tracker team at warrant server upang matiyak ang agarang pagpapatupad nito laban sa mga inaarestong indibidwal.

Ang pahayag ay kasunod ng paglalabas ng Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kay Senador Rodante Marcoleta at tatlo niyang kapwa akusado matapos ibasura ng anti-graft court ang mosyon ng senador na ipabasura ang kasong plunder.

Noong Biyernes, naghain ang Office of the Ombudsman ng kasong plunder na walang inirekomendang piyansa laban kina Marcoleta, dating Anakalusugan Rep. Mike Defensor, negosyanteng si Aristotle Viray, at Joseph Espiritu. Kaugnay ito ng alegasyong hindi nila idineklara ang mahigit P75 milyong campaign donations sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Sa apat na akusado, si Sen. Marcoleta pa lamang ang kusang sumuko sa mga awtoridad, habang nagpapatuloy ang paghahanap ng PNP sa tatlo pa niyang kapwa akusado.