-- ADVERTISEMENT --

Lumampas na sa P5.5 bilyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa matinding epekto ng El Niño.

Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 201,322 magsasaka at mangingisda na ang naapektuhan at nawalan ng pangunahing kabuhayan dahil sa matinding tagtuyot.

Pinakamalaki ang epekto sa Cagayan Valley o Region 2, kasunod ang CALABARZON, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN at CARAGA.

Patuloy namang nagbibigay ng ayuda at alternatibong kabuhayan ang mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan sa mga pamilyang matinding tinamaan ng tagtuyot.

Kasabay nito, inaasahang paiigtingin pa ang monitoring sa mga lugar na nakararanas ng kakulangan sa tubig upang mabawasan ang panganib ng karagdagang pagkalugi, lalo na sa mga susunod na taniman at ani.