-- ADVERTISEMENT --

Opisyal nang sinimulan ang kauna-unahang Miss Grand International All Stars (1st Edition) sa isang marangyang seremonya nitong Mayo 19, 2026 sa MGI Hall sa Bangkok. Ang event na pinamagatang “Welcome All The Stars to Bangkok & Sashing Ceremony” ang nagmarka ng pagsisimula ng veteran-focused edition ng pageant, kung saan 58 kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang kalahok.

Pinangunahan ng Filipino host at Miss Grand International 2024, CJ Opiaza, ang programa kung saan isa-isang ipinakilala ang mga kandidata at isinusuot sa kanila ang kanilang personalized MGI All Stars sashes.

Namayagpag naman ang mga kinatawan ng Pilipinas sa entablado, ipinakita ang kanilang galing sa presentation swimsuit at gown. Kabilang sa mga Pinay delegates sina Gazini Ganados, Alexia Nuñez, Fuschia Anne Ravena, Keylyn Trajano, at Imelda Schweighart.

Ayon sa organizers, ang MGI All Stars ay espesyal na edisyon para sa mga international pageant veterans na may edad 20–40 at hindi pa nanalo ng major crowns. Magpapatuloy ang kompetisyon sa Thailand hanggang sa final coronation night sa Mayo 30, 2026.