-- ADVERTISEMENT --

Kalaboso ang dalawang lalaki matapos makuspiskahan ng nasa Php480,000 na halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng CIDG 12 North Cotabato PFU, Cotabato Police Provincial Office, Bureau of Customs-12 (BOC) at Matalam Municipal Police Station sa Sitio Ermitanio, Barangay New Alimodian, Matalam, North Cotabato dakong alas-4:30 ng hapon ng ika-18 ng Disyembre 2024.

Kinilala ni Police Major Maxim V Peralta, Officer-In-Charge ng Matalam MPS, ang mga aretadong suspek na sina alyas “Richard”, 37 anyos, driver, at si alyas “Dominic”, 34, truck helper, na kapwa residente ng Brgy. Dalapitan, Matalam, North Cotabato.

Hinuli ang dalawa matapos nilang pagbentahan ng smuggled na sigarilyo ang operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ang 60 na piraso ng Php500 bill (Boodle Money) at isang piraso ng genuine Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Nakumpiksa sa naturang operasyon ang isang unit ng Truck na ginamit ng mga suspek na may kargang 350 reams ng FORT Cigarette (Menthol); 50 reams ng VX cigarettes; at 240 reams ng LG cigarettes.

Ang mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo ay may kabuuang halaga na Php480,000.

Samantala, kasong paglabag sa Sec. 1113, 117 and 400 Chapter 4 of RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) in relation to R.A 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) ang isasampang reklamo laban sa dalawang indibidwal.