-- ADVERTISEMENT --

Dalawang bangkay ang na-recover ng Philippine Coast Guard sa patuloy na search and rescue operations sa paligid ng Baluk-Baluk Island. Sa kasalukuyan, umakyat na sa 45 ang bilang ng mga nasawi, habang 316 ang nakaligtas.

Simula Enero 26, sinubukan ng PCG hanapin ang MV Trisha Kerstin III, ngunit hindi agad natukoy ang lokasyon nito.

Sa kabila ng paggamit ng pinakamalaking PCG vessel, BRP Melchora Aquino, ang barko ay natagpuan lamang sa tulong ng munting private SONAR boat ng AMR – “Star of the Sea” Fishing Vessel, sa silangan ng Baluk-Baluk Island, sa coordinates na 6°40.831’N | 121°44.928’E.

Nagbunsod ito ng mga tanong tungkol sa bilis at kahandaan ng PCG.

Iniulat na halos dalawang oras ang lumipas bago dumating ang rescue response matapos ang distress call. Ayon sa mga eksperto, sa ganitong sitwasyon, bawat minuto ay buhay.

Narito ang update ng kasalukuyang bilang:

  • Maximum Capacity: 352
  • Total Passengers: 332
  • Crew Members: 27
  • Survivors: 316
  • Confirmed Dead: 45
  • Missing: 30+

Una rito, panawagan ng mga pamilya ng mga pasahero na nasawi at mga hindi pa nakita ang pananagutan ng Aleson Shipping na nagmamay-ari ng MV Trisha.