Nakumpiska mula sa isang negosyanteng lalaki ang ilegal na baril at bala matapos na ihain sa kanya ang isang search warrant sa mismo nitong tahanan sa Lanton Apopong, General Santos City noong Disyembre 20, 2024.
Kinilala Police Major Carl Jayson D Baynosa, Station Commander ng General Santos City Pollice Office-Police Station 2, ang arestadaong negosyante na si alyas “Nurijun”, 36 anyos, at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PMaj Baynosa, dakong alas-10:11 ng umaga nang ihain ng kanilang hanay kasama ang CIDG 12 ang search warrant laban sa suspek na kung saan narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang unit Armscor 9mm Pistol na may kasamang magasin at anim na bala.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang arestadong indibidwal.
Ang GenSan PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra kriminalidad, alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng administrasyon na labanan ang mga taong patuloy na gumagawa ng ilegal na aktibidad.