-- ADVERTISEMENT --
Inaresto ng mga Barangay Officials ng Barangay Salama, Banisilan, Cotabato ang 48 anyos na lalaki dahil sa kasong illegal possession of firearms sa kanilang Barangay nito lamang Lunes, Enero 6, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Teng” na residente ng nasabing Baranagay.
Sa report ng Banisilan Municipal Police Station, ganap na 9:37 ng umaga ng dinala ni Barangay Chairman Datupiang Cabilo Buleg ang suspek sa kanilang himpilan matapos nitong harassin ang isang nilang Barangay Kagawad at makuhanan ng isang unit ng Cal. 45 na baril na may kasamang magazine at dalawang bala.
Dahil rito, kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isasampang reklamo laban sa suspek.