-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa ₱143 milyon ang nakolektang kita ng Lungsod ng Koronadal sa loob lamang ng 20 araw ng koleksyon, mula sa kabuuang ₱400 milyon.

Ito ang inihayag ni Marloun C. Gumbao ng City Treasurer’s Office (CTO) Koronadal sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Gumbao, malaking bahagi ng kita ng lungsod ay nagmula sa business tax, kung saan nakalikom ang CTO ng ₱91 milyon sa loob ng nasabing panahon.

Dagdag pa niya, sa buwan ng Nobyembre ngayong taon ay muling magbubukas ang panibagong yugto ng koleksyon ng buwis mula sa mga bagong may-ari ng lupa at ari-arian, at inaasahang tataas pa ang kabuuang kita ng lungsod.

Nilinaw rin ni Gumbao sa mga may-ari ng lupa at ari-arian, pati na sa mga investor, na ang City Treasurer’s Office ay nag-iisyu ng opisyal na resibo, at ang lahat ng kanilang binabayad ay direktang napupunta sa kaban ng lungsod at ginagamit para sa mga proyekto ng Koronadal City.