-- ADVERTISEMENT --

Nagpakawala ng matinding opensa ang Gilas Pilipinas upang dominahin ang Kazakhstan, 109-78, sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Matapos ang pagkatalo kontra Bahrain nitong Biyernes, agad na nakabangon ang Gilas at naitala ang kanilang unang panalo sa Group C. Hawak na ngayon ng Pilipinas ang 1-1 na kartada sa torneo.

Pinangunahan ni Jerrick Ahanmisi ang opensa ng Gilas matapos magtala ng 22 puntos, habang umambag naman si Robert Bolick ng 20 puntos sa dominanteng panalo ng koponan.

Hindi rin nagpahuli ang iba pang manlalaro ng Pilipinas. Nagdagdag si Calvin Oftana ng 12 puntos, habang nagtala naman sina Sedrick Barefield at Zavier Lucero ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa malaking kalamangan, kontrolado ng Gilas ang laro hanggang sa huling bahagi upang tuluyang makuha ang 31-point victory laban sa Kazakhstan.

Sa kanilang susunod na laban, haharapin ng Gilas Pilipinas ang China, na nananatiling walang talo sa Group C.