South Cotabato – kumpiskado sa pag-iingat ng isang lalaki ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at mga iligal na armas matapos ang inihaing search warrant ng mga operatiba ng Sarangani PNP sa Brgy. Sapu Masla, Malapatan, Sarangani Province noong ika-18 nitong Enero 2025.
Kinilala ni Police Major Lloyd Levin D Caigas, Hepe ng Malapatan Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Dubyan”, nasa wastong gulang, walang asawa, at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PMaj Caigas, bandang alas 9:30 ng umaga nang isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng kanilang hanay katuwang ang iba pang operatiba ng Sarangani Police Provincial Office, at Police Regional Office 12, na nagresulta sa pagkakadakip ng naturang suspek.
Sa ginawang paghahalughog ng awtoridad sa mismong tahanan ni Dubyan, kanilang nadiskubre sa pag-iingat nito ang isang yunit ng unit Rifle Grenade, dalawang yunit homemade shotgun na may kasamang magazine at mga bala, at dalawang plasctics sachet na naglalamang ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 0.5 gramo na nagkakahalaga ng Php3,400.
Kasong paglabag sa RA 9516 (Illegal Possession of Explosives), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at kasong may kaugnayan sa iligal na droga ang isinampa laban sa nahuling indibidwal.