-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nakunan ng video ang nangyaring suntukan ng dalawang bus drivers sa naganap na road rage incident na kinasangkutan ng mga driver ng Yellow Bus Line at Mindanao Star sa lungsod ng General Santos.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Koronadal City, sinabi ni Mr. Bernard Bolanio, Operations Manager ng YBL Incorporated, na ipinatawag na ng pamunuan ang driver ng Yellow Bus Line na sangkot sa insidente.

Ayon sa kanya, kasalukuyan nang isinasagawa ang settlement o dayalogo sa pagitan ng dalawang panig upang maayos ang isyu.

Dagdag pa ni Bolanio, base sa alegasyon, umano’y nag-cutting ang driver ng kabilang kumpanya sa linya ng minamanehong yunit ng Yellow Bus Line, dahilan upang komprontahin ito ng kanilang driver.

Gayunman, sa halip na makipag-ayos, hinamon pa umano ng kabilang panig ang kanilang driver sa isang “fist fight.”

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari at maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap.