-- ADVERTISEMENT --

Boluntaryong sumuko sa Philippine Army ang anak ng nagtatag ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF, na kinilalang si alyas “Tata,” kasama ang iba pang dating mararahas na ekstremista sa Maguindanao del Sur.

Pinangunahan ng 2nd Mechanized o Makasag Battalion, katuwang ang 6th Mechanized Infantry o Salaknib Battalion, ang matagumpay na pagsuko ng grupo kung saan nasaksihan din ang aktibidad ng Atoc Battalion.

Ayon sa militar, patunay ang pangyayaring ito sa bisa ng pinagsanib na operasyon ng hukbo, tuloy-tuloy na dayalogo, at mga hakbang sa pagpapatibay ng tiwala, sa tulong ng pamahalaang panlalawigan at iba pang sektor.

Kaugnay nito, binibigyang-diin ng pamunuan na ang naturang pagsuko ay bahagi ng mas malawak na whole-of-nation approach para sa kapayapaan, pagkakasundo, at pangmatagalang seguridad sa Bangsamoro area.