-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Sultan Kudarat State University (SKSU) na ang babaeng nasawi sa pamamaril sa Brgy. City Heights nitong hapon ay ang kanilang alumnang si Nhiezer Rolliene Jane U. Aguacito, RN.

Si Nhiezer ay nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing, Batch 2024, at kamakailan lamang ay nakapasa sa Nurse Licensure Examination. Pauwi na sana siya mula sa pamimili nang madamay sa pananambang sa sinasakyang tricycle sa Aparente Street.

Ayon sa kanyang mga guro at kaklase, si Nhiezer ay kilala bilang isang masayahin, mabait, at masipag na indibidwal—isang nurse na may malinaw na hangaring maglingkod sa kapwa.

Sa opisyal na pahayag ng SKSU, ipinaabot ng pamantasan ang kanilang taos-pusong pakikiramay sa pamilya Aguacito at mariing kinondena ang marahas na krimeng kumitil sa buhay ng isang kabataang may maliwanag sanang kinabukasan sa larangan ng kalusugan.

Samantala, patuloy na umuugong sa social media ang panawagan na humihiling ng agarang hustisya at pag-aresto sa mga responsable sa krimen.