-- ADVERTISEMENT --

Kumpirmadong kakatawan sa Pilipinas si tennis star Alex Eala sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan, sa kabila ng kanyang abalang WTA schedule.

Ayon kay PHILTA Secretary General John Rey Tiangco, sasabak muna si Eala sa US Open at Singapore Tennis Open bago tumungo sa Japan. Gaganapin ang Singapore Tennis Open, isang WTA 500 event, mula Setyembre 21 hanggang 27.

Kasabay ng Asian Games ang China Open at Wuhan Open, kapwa WTA 1000 tournaments, ngunit pinili ni Eala na unahin ang pagkakataong magrepresenta sa bansa.

May karanasan na si Eala sa Asian Games matapos niyang masungkit ang bronze medal sa nakaraang edisyon. Nakapag-uwi rin siya ng gold medal para sa Pilipinas sa Southeast Asian Games.

Mas mataas ngayon ang stakes dahil ang mananalo ng gold medal sa tennis event ng Asian Games ay makakakuha ng direktang puwesto sa 2028 Los Angeles Olympics.