-- ADVERTISEMENT --

Hindi na nakapasok sa Round of 16 si Alex Eala matapos siyang talunin ni Iva Jovic sa isang matinding three-set battle sa 2026 US Open.

Matapos maagaw ni Jovic ang unang set, 7-5, mabilis na bumawi si Eala. Naging mas agresibo ang Pinay star at kinuha ang second set, 6-3, para itabla ang laban.

Sa deciding set, umarangkada si Eala at umabante hanggang 4-2. Ngunit hindi nagpatinag si Jovic at unti-unting nakahabol hanggang sa muling makuha ang kalamangan, 5-4.

Naitabla pa ni Eala ang laban sa 5-5, ngunit naging matatag si Jovic sa mga huling puntos at kinuha ang dalawang sunod na laro para isara ang set, 7-5, at ang laban.

Sa kabila ng pagkatalo, matagumpay na nalampasan ni Eala ang unang dalawang rounds at nagtapos ang kanyang kampanya sa New York matapos ipakita ang kanyang fighting spirit at composure sa isang mahigpit na laban.