Nalasap ng Oklahoma City Thunder ang 116-89 pagkatalo kontra Houston Rockets sa kanilang NBA preseason matchup nitong Oktubre 16, matapos mahirapang makasabay sa depensa ng Houston.
Naging malaking problema para sa Thunder ang 17 turnovers, na sinamantala ng Rockets sa pamamagitan ng 13 steals upang kontrolin ang takbo ng laro hanggang sa final buzzer.
Nanguna sa Houston si Alperen Sengun na nagtala ng 14 points, seven rebounds, five assists, two blocks, at isang steal. Nag-ambag naman si Amen Thompson ng 12 points, five rebounds, at four assists.
Sa panig ng Oklahoma City, nagtala si Shai Gilgeous-Alexander ng 17 points, habang kumamada si Jalen Williams ng 18 points.
Dahil sa panalo, umangat sa 2-1 ang preseason record ng Rockets, habang nalaglag sa 1-4 ang Thunder matapos ang kanilang ikaapat na pagkatalo sa paghahanda para sa bagong season.













