Mahigit 15,700 pulis ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila bilang paghahanda sa mga pagtitipon kaugnay ng 54th anniversary ng deklarasyon ng Martial Law sa Setyembre 21. Nasa full alert status ang NCRPO mula Setyembre 19.
Kabilang sa tinututukang lugar ang Mendiola, Liwasang Bonifacio, Ayala Bridge, EDSA Shrine at People Power Monument. Nakatakda ring ipatupad ang mga road closure at rerouting sa ilang bahagi ng Maynila dahil sa mga rally.
Samantala, sinuspinde ng Maynila ang face-to-face classes sa lahat ng antas ngayong Setyembre 21 dahil sa inaasahang traffic, road closures at security concerns dulot ng mga pagtitipon.
Ayon sa PNP, layunin ng deployment na mapanatili ang peace and order habang pinoprotektahan ang karapatan ng mga mamamayan sa mapayapang pagtitipon.













