Naghanda ang Philippine Red Cross (PRC) ng malawakang emergency response operations para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Hulyo 27, sa layuning matiyak ang kaligtasan at agarang medikal na pagtugon sa mga dadalo sa okasyon.
Nag-deploy ang PRC ng mga first aid responders, ambulance units, at welfare teams sa mga estratehikong lokasyon sa Quezon City upang mabilis na makapagbigay ng paunang lunas, transportasyong medikal, at iba pang kinakailangang serbisyo sakaling magkaroon ng emergency.
Kabilang sa mga lugar na may nakahandang PRC personnel ang Batasan Hills at Commonwealth area, PRC Quezon City Chapter Headquarters sa Kalayaan Avenue, Sandiganbayan sa Commonwealth Avenue, Quezon City Medical Center, AFP Commissioned Officers Club, Commission on Human Rights Complex sa UP Diliman, at San Mateo boundary na nagsisilbing access post.
Ayon sa PRC, bahagi ng kanilang standard preparedness measures ang paglalagay ng emergency teams sa malalaking pampublikong pagtitipon upang matiyak ang mabilis na responde sa anumang insidente at mapanatili ang kaligtasan ng publiko sa buong araw ng SONA.













