-- ADVERTISEMENT --
Isang katao ang nasawi habang marami ang nasugatan matapos araruhin ng isang sasakyan ang mga dumalo sa isang Pride parade sa Berlin, Germany.
Kaagad na isinugod sa pagamutan ang mga sugatan sa insidente na naganap sa Tiergarten Park, habang rumesponde ang mga awtoridad upang bigyan ng agarang tulong ang mga biktima.
Dahil sa insidente, kinansela ng mga organizer ang pagpapatuloy ng taunang Pride celebration na kilala bilang “Christopher Street Day” bilang pag-iingat sa kaligtasan ng publiko.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang driver ng sasakyan na tumakas kaagad matapos ang insidente, habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng pag-atake.













