Nagbabala ang Médecins Sans Frontières (MSF) na nakaaalarma at delikado na ang mabilis na pagkalat ng Ebola outbreak sa Democratic Republic of the Congo (DRC), kung saan lumampas na sa 1,000 ang mga suspected cases at hindi bababa sa 246 ang nasawi.
Ayon sa MSF, patuloy na dumarami ang mga kaso habang nahahadlangan ang mga hakbang sa pagpigil ng sakit dahil sa pagsasara ng mga border, limitadong testing, at nagpapatuloy na kaguluhan sa ilang lugar.
Bumisita rin sa lalawigan ng Ituri, ang sentro ng outbreak, si WHO Director-General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus upang pamunuan ang mga hakbang sa pagtugon at himukin ang mga komunidad na makiisa sa pagpigil ng pagkalat ng virus.
Sa kabilang dako, iniimbestigahan din ng Brazil ang isang hinihinalang kaso ng Ebola sa São Paulo na may kasaysayan ng pagbiyahe mula sa DRC.













