-- ADVERTISEMENT --

Mariing pinabulaanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga pahayag tungkol sa posibilidad ng “no-election” scenario sa 2028 na umano’y magpapahaba sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, imposibleng mangyari ang “no-el” dahil malinaw sa Konstitusyon ng Pilipinas na obligadong magsagawa ng halalan sa itinakdang taon. Giit niya, walang nakahandang contingency plan para sa pagkansela ng eleksyon dahil ito ay tiyak na dapat maganap.

“‘No-el 2028’ will not happen. It’s a mandate of the Constitution to have an election in that year,” ani Garcia.

Dagdag pa ng COMELEC, maaga pa lamang ay naghahanda na sila para sa 2028 presidential elections, kabilang ang plano para sa automation ng halalan, muling pagbubukas ng voter registration, at pag-update ng mga patakaran at guidelines.

Una nang pinabulaanan ni Pangulong Marcos ang naturang isyu, habang tinawag naman ito ng Malacañang Palace na isang “diversionary tactic.”