Nagbabala si Raffy Tulfo sa tumitinding kaso ng illegal recruitment at human trafficking na tumatarget sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa abroad, lalo na sa gitna ng pagdami ng online job scams.
Ayon sa senador, mas nagiging vulnerable ang mga overseas Filipino workers (OFWs), partikular ang mga nawalan ng trabaho dahil sa krisis sa Middle East. Dahil sa matinding pangangailangan, napipilitan umano ang ilan na pumatol sa kahina-hinalang job offers na kalauna’y nauuwi sa panlilinlang.
Nanawagan si Tulfo sa Department of Migrant Workers at iba pang ahensya ng pamahalaan na paigtingin ang pagbabantay sa mga recruitment agency at online job postings. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng agarang pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng mga scam.
Giit ng senador, kinakailangan ang mas mahigpit na monitoring at mas mabibigat na parusa upang maprotektahan ang mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa at tuluyang matigil ang pang-aabuso sa kanila.













