-- ADVERTISEMENT --
Iniutos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mas pinaigting na opensiba ng kanilang pwersa laban sa Hezbollah sa Lebanon, kasunod ng alegasyon ng Israel na nilabag ng grupo ang umiiral na ceasefire.
Ayon sa Israel Defense Forces (IDF), naging matagumpay ang kanilang serye ng airstrikes na tumarget sa mga pinaghihinalaang kuta ng Hezbollah sa southern Lebanon, bilang tugon sa umano’y paglabag sa tigil-putukan.
Samantala, nauna nang nagpahayag si US President Donald Trump na may posibilidad pang mapalawig ng hanggang tatlong linggo ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Lebanon, sa kabila ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang panig.












