Natagpuan na ang nawawalang 23-anyos na lalaki sa . Nakita ang kanyang bangkay sa bahagi ng Puting Bato, isang liblib na bukirin sa Barangay Buto, Tampakan, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Nikko Evangelista Omas, alyas “Kong2,” 23-anyos, na residente ng nabanggit na bayan.
Batay sa inisyal na impormasyon mula sa mga nakakita, duguan ang katawan ng biktima at mayroon itong malalim na sugat sa ulo nang matagpuan, indikasyong posibleng binaril ito.
Agad naman na ini-report ang insidente sa barangay at pulisya kaya’t patuloy ngayong nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Tampakan Municipal Police Station upang matukoy kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Lubos naman ang dalamhati ng pamilya Evangelista–Omas, na ilang araw nang naghahanap kay Nikko bago natagpuan na wala ng buhay.













