-- ADVERTISEMENT --
Arestado ang isang babaeng wanted sa kasong Syndicated Estafa sa operasyon ng pulisya sa Poblacion 3, Pigcawayan, Cotabato noong ika-7 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Major Mark John T Mutlah, Hepe ng Pigcawayan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Lea”, 41-anyos, walang asawa, tinaguriang Top 10 Regional Most Wanted Person, at residente ng Brgy. Poblacion 1, Pigcawayan, Cotabato.
Ayon kay PMaj Mutlah, ang suspek ay inaresto sa bisa ng arrest warrant sa kasong Syndicated Estafa na walang rekomendadong piyansa.
Ayon pa kay PMaj Mutlah, naaresto ang suspek bandang 12:00 ng tanghali ng pinagsamang pwersa ng Pigcawayan MPS, 1203rd Maneuver Company Regional Mobile Force Company 12 at CIDG North Cotabato.