-- ADVERTISEMENT --
Arestado ng mga awtoridad ang isang 29-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong Statutory Rape sa Brgy Poblacion, Polomolok South Cotabato nito lamang Disyembre 21, 2024.
Kinilala ang hinuling suspek na si alyas “Alvin”, na residente ng nasabing lugar, at itunuturing na Top 2 Municipal Most Wanted Person, Top 3 Provincial MWP, at Top 10 Regional MWP.
Batay sa ulat, inaresto si “Alvin” ng mga tauhan ng Polomolok Municipal Police Station sa bisa ng arrest warrant na nilagdaan ni Hon. Judge Allan Edwin P Boncavil, RTC Branch 62, Polomolok, South Cotabato noong Agosto 28, 2024 para sa kasong statutory rape na walang rekomendadong piyansa.