-- ADVERTISEMENT --

Ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 10 sa 21 Pilipinong tripulante ng oil tanker na MT Aqua 1 na tinamaan ng missile sa Persian Gulf noong unang bahagi ng Abril, ayon sa kumpirmasyon ng Hans Leo Cacdac.

Ayon sa ulat, ang mga seafarer ay tinutulungan ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) matapos ang insidente.

Nananatili namang ligtas ang natitirang 11 tripulante na hindi pa nakauuwi at inaasahang darating din sa bansa sa mga susunod na araw.

Ang MT Aqua 1 ay nasa layong humigit-kumulang 17 nautical miles hilaga ng Ras Laffan Industrial Hub sa Qatar nang tamaan umano ng cruise missile noong Abril 1, 2026. Nagdulot ito ng sunog sa barko, na mabilis namang naapula ng mga tripulante.

Sa kabila ng insidente, kinumpirma na walang naiulat na nasaktan sa 21 Pilipinong sakay ng barko, na itinuturing na malaking ginhawa sa gitna ng tensyon sa rehiyon.