-- ADVERTISEMENT --
Binatikos ni Bise Presidente Sara Duterte ang gobyerno dahil sa hindi pagtutok at pagkilos laban sa mga isyu ng kurapsyon sa bansa, partikular na ang mga isinagawang pahayag ng 18 Marino. Ayon sa kanya, hindi man lang gumalaw ang pamahalaan upang mag-imbestiga sa mga isiniwalat na katiwalian. Sa halip, siya pa umano ang inakusahan ng gobyerno na ginagamit ang isyu upang ilihis ang atensyon mula sa impeachment laban sa kanya.
Giit ni VP Duterte, malinaw na ang pokus ng gobyerno ay ang sirain ang kanyang reputasyon at posisyon sa pamahalaan, habang hindi binibigyang pansin ang mga malalaking isyu ng kurapsyon.












