-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa P17.647 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas noong katapusan ng Nobyembre 2025.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), tumaas ito ng 0.49% o P85.84 billion mula Oktubre, dahil sa net issuance ng domestic at external debt.

Taon-taon, lumago ang utang ng 9.94% mula P16.052 trillion noong Nobyembre 2024, at 1.65% na mas mataas kaysa sa inaasahang P17.359 trillion ng gobyerno.

Sa kabuuan, 68.66% ng utang ay domestic, habang 31.34% ay mula sa foreign lenders.

Tumaas ang domestic debt ng 0.60% buwan-buwan sa P12.117 trillion dahil sa P71.85 billion na government securities issuance, at 10.86% taon-taon.

Ang external debt naman ay tumaas ng 0.26% sa P5.530 trillion dahil sa P22.84 billion net loan availments, na bahagyang na-offset ng foreign exchange adjustments.