-- ADVERTISEMENT --
Ipinahayag ni US President Donald Trump na humiling ang bagong liderato ng Iran ng ceasefire, ngunit tanging kung magbubukas muli ang Strait of Hormuz, saka nila ito ikokonsidera.
Ayon kay Trump, ang bagong pangulo ng Iran ay “mas matalino” kumpara sa mga naunang lider na mas radikal.
Wala pang kumpirmasyon mula sa mga opisyal ng Iran tungkol sa pahayag na ito.
Gayunpaman, sinabi ni Trump na magpapatuloy ang mga atake ng US laban sa Iran kung hindi maaayos ang sitwasyon sa Hormuz, na isang kritikal na ruta para sa global na suplay ng langis.
Pinahayag ng US na patuloy nilang imonitor ang tensyon sa rehiyon at magpapatuloy ang mga hakbang upang tiyakin ang seguridad at katatagan ng enerhiya sa buong mundo.













