-- ADVERTISEMENT --

Kinuwestyon ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang kakayahan ni Vice President Sara Duterte na mamuno sa bansa, kasunod ng pagharap nito sa Quezon City Regional Trial Court para sa paghahain ng piyansa sa kasong grave threats.

Sa kanyang pampublikong pahayag, pinuna ni Trillanes ang kilos at pananalita ni Duterte habang isinasagawa ang legal na proseso. Aniya, dapat maging mas maingat ang mga Pilipino sa pagpili ng mga magiging lider ng bansa.

“Pumili naman tayo ng maayos,” ani Trillanes.

Tatlong counts ng grave threats ang kinakaharap ni Duterte matapos maglabas ng arrest warrant ang korte, na agad naman niyang sinagot sa pamamagitan ng paglagak ng piyansa.

Samantala, pinabulaanan ni Atty. Manuelito Luna, na malapit sa kampo ni Duterte, ang pahayag ni Trillanes. Sa halip, kinuwestyon niya ang kaalaman ng dating senador sa Konstitusyon.

“Ikaw ang krung2 at walang alam sa Konstitusyon,” tugon ni Luna kay Trillanes.