-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ni Commodore Jay Tarriela, spokesperson ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa West Philippine Sea, na ang pagpapakita ng impormasyon tungkol sa aktibidad ng China sa West Philippine Sea ay bahagi ng transparency initiative ng pamunuan.

Ito ay kasunod ng pagpatawag ng Chinese Foreign Ministry kay Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz.

Ayon kay Tarriela, ang transparency initiative ay hindi “smear campaign” laban sa China, tulad ng iniakusa, matapos niyang gamitin ang caricatures na naglarawan kay Chinese President Xi Jinping sa isang presentasyon tungkol sa aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Ipinaliwanag ng PCG official na ang layunin ng programa ay ipakita kung sino ang “bully aggressor” at kung sino ang tunay na biktima, at hindi ito isang provokasyon.

Ginlunsad ng PCG ang nasabing inisyatibo upang maipabatid sa publiko ang aktibidad ng China sa rehiyon.

Hinimok din ni Tarriela ang China na respetuhin ang 2016 arbitral award bilang unang hakbang sa pagresolba ng lumalalang tensiyon sa West Philippine Sea.