-- ADVERTISEMENT --

Ikinatuwa ng mga mamamayan sa bayan ng Tampakan, South Cotabato na nakuha ng mga ito ang Guiness Book of World of Record sa “The most pedicures given in 8 hours”.

Ito ay makaraang idineklara ni Guiness Book of World Record adjudicator Kazuyoshi Kirimura ng bansang Japan na nalampasan ng LGU Tampakan ang title holder na bansang Canada na may 1,083 records.

Ayon kay Kirimura, isa-isang tiningnan ang before and after photos ng mga pedicure kung saan umabot sa 1,223 ka tao ang nakapasa sa world record attempt.

Sa ngayon opisyal na na record-holder ang bayan ng Tampakan sa most pedicures given in 8 hours.

 Matatandaan na isinagawa ng sabay ang pag-pedicure sa higit isang libong katao sa Municiapl Gymnasium ng Tampakab kasabay ng 55th Foundation Anniversary at 21st Lum’alay Festival.

 Nagpasalamat naman ang LGU Tampakan sa pangunguna ni Mayor Leonard Escobillo sa lahat ng mga nakibahagi sa nabanggit na aktibidad.