-- ADVERTISEMENT --

Sisimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Marso 17 ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na apektado ng tumataas na presyo ng langis.

Ayon sa DSWD, ang unang makatatanggap ng tulong ay ang mga tricycle drivers sa Metro Manila. Nasa 139,000 tricycle drivers sa National Capital Region ang makikinabang sa unang rollout ng programa ng gobyerno.

Ang pondo ay galing sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Paliwanag ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlaon, tinuturing ng ahensya ang mga drivers bilang mga indibidwal na nahaharap sa economic distress dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.