Walang kawala ang isang lalaki na tinuturing na Street Level Individual sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Sito Awas, Brgy. Poblacion, Lake Sebu, South Cotabato noong ika-18 ng Pebrero nitong taon.
Kinilala ang dinakip suspek na si alyas “Tubal”, nasa tamang edad at residente ng Brgy Lamdalag, Lake Sebu, South Cotabato.
Nanguna sa naturang operasyon ang mga tauhan ng Lake Sebu Municipal Police Station katuwang ang South Cotabato Police Drug Enforcement Unit, South Cotabato Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 12 at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA 12.
Nakuha sa pag iingat ng suspek ang anim na piraso ng selyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 2.7 gramo na nagkakahalaga ng Php17,000, buy bust money at iba pang non-drug item.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampang reklamo laban sa suspek.