-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangayring pananambang-patay sa bise alkalde ng South Upi Maguindanao alas-4:30 Biyernes ng hapon, Agosto 2,2024.

Kinumpirma ni Maguindano del Sur Police Provincial Director Colonel Roel Sermese na dead on the spot si South Upi Vice Mayor Roldan Benito at isang bodyguard nito matapos silang tambangan sa Barangay Pandan, South Upi, Maguindano del Sur habang pauwi ito sa kanilang bahay.

Ayon kay Sermese, kasama ng bise alkalde kasama pamilya nito at mga escort nang mangyari ang pananambang ng mga armado.

Ginagamot na sa hospital ang asawa, anak at isa pang escort nito na sugatan sa pangyayari.

Sa ngayon,inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa pulitika o ano ang motibo ng pagpatay sa opisyal habang patuloy ang pagtukoy sa mga salarin.