Nilinaw ni Senior Deputy Speaker at South Cotabato Second District Representative Ferdinand “Dinand” Hernandez ang layunin ng pagpirma sa impeachment gorm laban kay VP Sara Duterte
Sa isang panayam sa Bombo Radyo Koronadal, sinabi ni Senior Deputy Speaker at South Cotabato Second District Representative Ferdinand “Dinand” Hernandez na hindi nangangahulugang sinusuportahan nila ang impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte ang kanilang pagpirma sa impeachment form.
Ipinahayag ni Hernandez na ang layunin ng kanilang pagpirma, kasama ang ilang mga kasamahan, ay ipagpatuloy ang pagdinig at tiyakin na masusunod ang tamang proseso ayon sa Konstitusyon at due process of law, upang mabigyan ng pagkakataon si Duterte na makapagsagot sa mga akusasyon.
Dagdag pa ni Hernandez, tinitingnan lamang nila kung lehitimo ang mga dokumento at ebidensyang isinampa laban kay Vice Presidente Duterte at hindi nila pinapakialaman ang substansya ng reklamo.
Binanggit din ni Hernandez na ang desisyon ng Senado ang magtatakda kung si Duterte ay magiging “guilty” o “not guilty.”
Sa kasalukuyan, binigyan ng 10 araw ang kampo ni Duterte upang magsumite ng sagot sa ika-tatlong at ika-apat na reklamo laban sa kanya.













