-- ADVERTISEMENT --

Mas paiigtingin ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang intelligence operations matapos ang pagkakaaresto ng tatlong empleyado ng gobyerno na umano’y nagbibigay ng mga sensitibong impormasyon sa China.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kanilang ipinatutupad ang proactive measures upang masiguro ang proteksyon ng national security. Itinuturing niyang wake-up call ang pag-amin ng mga suspek, kaya’t mas magiging maingat ang kanilang mga hakbang.

Dagdag pa niya, mayroon silang mga tamang sistema para sa confidential reporting upang matiyak na hindi malalabas ang sensitibong impormasyon. Tiniyak din niya na ang mga kapulisan ay nananatiling tapat sa kanilang tungkulin at sa mamamayan.