-- ADVERTISEMENT --

Cotabato – Arestado ang dalawang drug suspect matapos makumpiskahan ng Php137,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Poblacion, Norala, South Cotabato nito lamang araw ng Martes, Enero 14, 2025

Kinilala ni Police Major Jose Golez Jr, Hepe ng Norala Municipal Police Station, ang dalawang suspek na sina alyas “Karen”, 31 anyos, babae, at si alyas “William”, 39, lalaki, parehong tinuturing na Street Level Individual kaugnay sa iligal na droga at kapwa residente ng nasabing lugar.

Dakong alas-6:41 ng umaga nang inaresto ang dalawa sa mismo nilang tahanan matapos isilbi ng mga awtoridad ang search warrant laban sa kanila na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 26, Surallah, South Cotabato noong January 7, 2025.

Nasamsam sa pag-iingat ng dalawa apat na pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 20 gramo na may standard drug price na Php137,000, at iba pang pinaniwalaang drug paraphernalia.

Mahaharap ang dalawa sa RA 9165 or Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002.