-- ADVERTISEMENT --

Wala pang naitalang Pilipinong nasugatan o nakaranas ng seryosong epekto sa kalusugan mula sa nagpapatuloy na wildfires at haze sa ilang bahagi ng Indonesia, ayon sa Philippine Embassy sa Jakarta.

Ayon kay Consul Gonaranao Musor, Deputy Chief of Mission and Consul General ng Philippine Embassy in Jakarta, sinabi niyang patuloy ang monitoring ng embahada sa mga Pilipino, partikular sa Kalimantan at Sumatra na kabilang sa mga lugar na apektado ng mga sunog.

Tinatayang 63 Pilipino ang nasa Kalimantan at humigit-kumulang 200 naman sa Sumatra. Sa buong Indonesia, nasa 6,000 hanggang 7,000 ang tinatayang bilang ng mga Pilipino, kabilang ang nasa 600 sa Jakarta.

Ayon kay Musor, wala pang ulat ng Pilipinong nasugatan, naospital o nagkaroon ng malubhang problema sa respiratory health dahil sa haze. Gayunman, mahigpit na mino-monitor ng embahada ang posibleng epekto ng usok sa kalusugan, lalo na kung lalala ang mga wildfire.

Samantala, nananatiling normal ang sitwasyon sa Jakarta at wala pang haze level na nangangailangan ng espesyal na health advisory.

Patuloy naman ang operasyon ng Indonesian government laban sa mga wildfire, kabilang ang deployment ng firefighting units at cloud seeding. Iniimbestigahan din ang posibleng pananagutan ng ilang kumpanyang may concession areas na naapektuhan ng sunog.

Hinimok naman ang mga Pilipino sa Indonesia na manatiling alerto at makipag-ugnayan sa Philippine Embassy kung makaranas ng anumang problema. Pinapayuhan ding gumamit ng face mask kung kinakailangan at magpakonsulta sa doktor kapag nakaranas ng respiratory symptoms.s ng respiratory symptoms.