-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na nakatatanggap ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga bagong impormasyon tungkol sa posibleng kinaroroonan ni Atong Ang.

Ayon kay NBI–National Capital Region Chief Atty. Joel Tovera, may ilang impormasyon na silang na-validate mula sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Visayas.

Aniya, halos araw-araw ay may bagong tip na natatanggap ang NBI, kabilang ang mga tawag sa hotline, at agad itong tinutugunan upang masiguro ang pag-aresto kay Ang.

Isinasaalang-alang din ng NBI ang isang text message na nag-uugnay na posibleng nasa ibang bansa si Ang simula pa noong Disyembre.