Nilinaw ni National Bureau of Investigation (NBI) Director na si Melvin Matibag na walang kaugnayan sa Interpol red notice ang pagkakaaresto kay dating Ako Bicol Party-list Representative na si Elizaldy Co.
Ayon sa NBI, naaresto si Co dahil sa paglabag sa immigration laws.
Ipinahayag din ng ahensya ang kahandaan nitong tumulong sakaling ipag-utos ang pagpapauwi o repatriation kay Co pabalik ng Pilipinas mula sa Czech Republic.
Sa kasalukuyan, patuloy ang mahigpit na koordinasyon ng pamahalaan ng Pilipinas sa gobyerno ng Czech Republic upang matiyak na nasusunod ang lahat ng legal na proseso at mapabilis ang kanyang pagbabalik sa bansa.
Samantala, kinumpirma ni Jonvic Remulla, kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na kasalukuyang nakadetine si Co sa isang immigration detention facility at posibleng maibalik sa Pilipinas sa loob ng isang linggo hanggang isang buwan.













