-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng lokal na pulisya sa Koronadal City matapos ma-capture ng CCTV ang isang puting sasakyan na may plate number MBF 9302 na nagpa-full tank sa isang gasolinahan sa Brgy. Morales, ngunit umalis nang hindi nagbabayad.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Allen Dave Mondejar, Pump boy na mismong nag-accommodate sa nagpagasolinang sasakayan, nangyari ang insidente noong Disyembre 8, alas-3:40 ng madaling araw.

May kasama ang driver sa likod ng sasakyan at nagtanong pa kung paano ang points sa pump.

Ayon kay Allen, binantayan nila na nasira ang tanke ng sasakyan at agad itong tumakas kung saan tinatayang P2,600 ang halaga ng full tank na hindi nabayaran.

Narekord din ang parehong sasakyan sa isa pang gasolinahan sa Brgy. Poblacion, Surallah, at sa Tacurong City, Sultan Kudarat, ngunit hindi rin nagbayad at tumakas.

Sa kasalukuyan, nanawagan ang pump boy at ang may-ari ng gasolinahan sa publiko at sa awtoridad na tulungan silang mahanap ang sasakyan at ang driver upang mapanagot sa kanilang ginawa.

Sa ngayon, naipa blotter na ang nangyari at ipina-trace na rin sa LTO kung sino ang may-ari ng sasakayan na pinaniniwalaang rent-a-car.

Inaalam na rin kung modus ng nabanggit na sasakyan ang pagpapafulltank na di nagbabayad.