Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pananambang-patay sa bise alkalde ng South Upi at escort nito sa Sitio Linao, Brgy. Pandan, South Upi, Maguindanao Del Sur.
Ayon kay P/Cpt. Amer Hussien Disomangcop, hepe ng South Upi MPS, inaalam pa sa ngayon kung ano ang motibo sa pagpatay kay Vice Mayor Roldan M. Benito at bodygurad nito na si Weng Marcos.
Patuloy din ang pangangalap ng ebedensiya ng mga otoridad upang matuloy ang mga salarin.
Sa ngayon, nagpapagaling na ang sugatang misis ng Bise Alkalde na si Barangay Pandan Punong Barangau Analyn Fantilaga Benito, at ang mga anak nitong sina alyas Josh, 11 anyos, at alyas Kian, 13 anyos na pawang residente ng Sitio Bahar, Brgy. Pandan, South Upi, Maguindanao del Sur.
Sinabi ni PCpt. Desomangcop, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga concerned citizen na may nangyaring pananamnambang sa lugar.
Matatandaan na nagmula sa bahagi ng Barangay Timanan ng nasabing bayan ang mag-anak at pauwi na sa Sitio Bahar ng Barangay Pandan ng mangyari ang pananambang.
Dahil sa pangyayari agad na ipinag-utos ni P/Col. Roel Sermese ang pursuit operation para matugis ang mga suspek at ang pagsagawa ng malalimang imbestigasyon.
Sa ngayon ay nasa crime scene pa ang Regional Force Units (RFU) para magsagawa ng imbestigasyon. Nagpahayag naman ng pagkondena ang pamunuan ng Maguindanao del Sur PPO sa nangyaring pananambang.
Mahigpit naman na kinundena ng LGU South Upi ang nangyari sa opisyal na itinuturing malaking kawalan sa kanilang lugar.