-- ADVERTISEMENT --
Hindi umano dapat mabahala ang mga miyembro ng House of Representatives sa pagdedeklara ni Vice President Sara Duterte ng kanyang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2028, sa kabila ng mga nakabinbing impeachment complaint laban sa kanya.
Ito ang naging tugon ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro sa pahayag ng Makabayan bloc na maaaring nagsisilbing “panakot” sa mga kongresista ang naturang anunsiyo.
Ayon kay Castro, maaaring may batayan ang kanilang pananaw, ngunit hindi dapat matakot ang mga halal na opisyal dahil lamang sa pag-aanunsiyo ng kandidatura.
Iginiit din ng Palasyo na sariling opinyon ng Makabayan bloc ang nasabing pahayag.
Matatandaang kahapon ay inihain ang ika-apat na impeachment complaint laban kay VP Sara.













