-- ADVERTISEMENT --

Narekober ng Philippine Army ang ilang matataas na kalibre ng armas at improvised explosive devices (IED) mula sa mga pinaghihinalaang kasapi ng communist terrorist groups (CTG) sa isang intelligence-driven operation sa Sitio Maughan, Barangay Tbolok, Tboli, South Cotabato.

Batay sa ulat ni Lt. Col. Erikzen Dacoco, Commander ng 105th Infantry Battalion, natuklasan ng mga tauhan ng Delta Company ang isang arms cache na naglalaman ng dalawang M16 rifles at isang bandolier na may apat na magazine.

Bukod dito, apat na IED ang una nang natuklasan sa parehong lugar noong Hulyo 10 at 15 sa tulong ng mga impormante mula sa komunidad.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng 105th IB ang mga nakumpiskang armas at pampasabog para sa kaukulang disposisyon.

Pinuri ni Lt. Col. Dacoco ang mabilis at epektibong aksyon ng kanyang tropa, gayundin ang kooperasyon ng mga sibilyang tumulong upang mapigilan ang anumang posibleng banta sa kapayapaan at kaayusan sa lugar.