-- ADVERTISEMENT --

Hindi kumbinsido si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga naging pahayag ng mag-asawa na sina Curlee at Shiela Discaya sa isinagawang pagdinig sa Senado kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control projects.

Giit ng alkalde, kapansin-pansin ang maraming inconsistency sa testimonya ng mag-asawa. Isa sa pinaka-obvious na halimbawa, aniya, ang sinabi ng mga ito na 2-3 porsyento lamang ang kanilang kinikita sa bawat proyekto, at swerte na kung aabot sa 5 porsyento.

Subalit, taliwas ito sa nauna nilang pahayag sa isang panayam na bilyonaryo na sila at may hawak na “11 digits” na halaga ng pera na katumbas ng hindi bababa sa ₱10 bilyon.

Dagdag pa ni Mayor Sotto, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang nakakita sa ghost project na kinasasangkutan umano ng mag-asawa. Aniya, mahirap paniwalaan na may gagawa ng ganito kalaking anomalya para lamang sa maliit na porsyentong kita.

Binigyang-diin pa ng alkalde na hindi siya pabor na gawing state witness ang mag-asawa Discaya dahil malinaw na nais lamang umano ng mga ito na makaiwas sa pananagutan.

Nanawagan si Mayor Sotto sa publiko na maging mapanuri at huwag basta-basta magpapadala sa mga half-truths at “paawa effect,” hindi lamang mula sa mag-asawang Discaya kundi maging sa lahat ng taong